Jalina POVBandang hating gabi, alas onse, nagising ako sa malalakas na katok sa pintuan ng bedroom ko.“Jalina, buksan mo ito, Jalina!” dinig kong sigaw ni Tita Hera sa labas ng kuwarto ko.Kahit inaantok pa, dali-dali akong gumising para buksan agad ang pintuan. Nakita ko siyang pawisan at parang ang putla. Natakot pa ako kasi mukha siyang multo dahil sa sobrang gulo ng mga buhok niya.“Ano pong nangyari sa ‘yo, Tita Hera?”Bigla niyang inabot ang pera sa akin. “Lumabas ka, bumili ka ng gamot ko. Ang taas ng lagnat ko, wala na pala tayong gamot na stock sa lagnat, kaya ibili mo ako ng gamot sa kahit na anong tindahang makikita mo sa labas, ngayon na!” utos niya habang punit na punit ang mukha.Naalala ko naman bigla ang warning nila Ash, Astra, Pearl at Ulan tungkol sa mga siraulong fraternity na naghahasik ng lagim sa gabi, kaya natakot ako bigla.“Tita, sandali po, wala po ba tayo ngayong driver? Para mabilis po akong makalabas ng hacienda, magsasasakyan na lang po sana ako?” tano
Read more