Vriya POVNapangiti ako nung sundin ni Kreg ang utos ko. Napakagaling lang talaga at na-timing na itong villa na pinagtataguan namin ang pinuntahan ni Jalipa. Nung makita ko sa CCTV ang ginawa ni Kreg, lalo na nung itusok niya ang injection na may pampatulog, napangisi talaga ako dahil na-sure kong galit nga talaga siya kay Jalipa.Binuhat ni Kreg si Jalipa at pinasok dito sa loob ng villa. Pagpasok nila sa loob, hinarap ko siya agad.“Dalhin mo ‘yan doon sa kulungan, sa tabi ng kulungan ni Alon,” utos ko agad sa kaniya.Umiling agad si Kreg. “Hey, napag-usapan na natin ito. Sa akin mo ipapaubaya si Jalipa. Akong bahala sa kaniya. Nakuha ko na siya, so ako nang bahala sa kaniya,” seryosong sagot niya.Tumango. “Yes, oo, ganoon nga, pero may mga kalaban pa. May paparating pang Atalia at Nolan. Paparating pa si Kenji at baka may iba pa. Mahaba-haba pang labanan ito, hindi mo pa puwedeng paglaruan ang babaeng ‘yan, kaya ikulong mo na muna roon,” utos ko ulit sa kaniya.Hindi siya sumagot
Read more