Hera POVMaaga pa lamang ay nakahanda na ako sa pagpasok sa trabaho ko sa city. Medyo hindi maganda ang gising ko dahil nababanas pa rin ako kay Aira dahil sa ginagawa niyang panggugulo sa hacienda. Nung kami-kami lang nila Rainn at Jalina, maayos naman e, nung dumating siya, aba, pati kami ni Rainn, gustong magkagulo, napakagarang bata ‘yan. Maling-mali talaga na hinayaan kong lumaki siya nang wala sa puder ko.Today, wala akong driver dahil may sakit, kaya naisip kong mag-rent car na lang. Gusto ko mang mag-rent din ng driver, kaya lang ayaw kong pinapahawak sa ibang tao ang mga sasakyan ko, kaya magre-rent na lang ako para iwas damage sa sasakyan. Mahal na mahal ko pa naman ang mga sasakyan ko, kaunting gasgas lang ay naiiyak na agad ako.Paglabas ko ng gate, hawak ang handbag ko ay biglang may tumawag sa akin.“Hera! Hera, sandali!”Napalingon ako at nakita ko si Nayara, ang kapitbahay kong donya at isa sa mga malalapit kong kaibigan dito. Nakangiti siya habang mabilis na lumalapi
Read more