Jalina POV“Oo. Nasa isang beach resort siya. Doon siya inalagaan nina Tito Nico, Tito Enzo, at Tito Lucas.”“Wait, wait!” singit ni Pearl. “So, buhay nga ang Nanay mo? Nasa beach resort? At kilala mo na rin ang mga taong nag-alaga sa kaniya?”Tumango ako. “Mahabang kuwento, pero oo.”Ikinuwento ko sa kanila kung paano ako nakarating sa resort at kung paano ko muling nakayakap ang Nanay Hira ko. Hindi ko napigilang mapaluha habang inaalala ang unang pagkakataong nakita ko siyang muli.“Ang tagal kong hinintay ang araw na iyon,” sabi ko. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang saya ko nang makita ko siyang ligtas at maayos.”Hinawakan ni Pearl ang kamay ko. “At least, magkasama na kayo ngayon.”“Oo.”Pagkatapos, ikinuwento ko rin ang tungkol sa isang buwang pagsasanay ko.“Nag-training ako roon,” paliwanag ko. “May nagturo sa akin ng self-defense at martial arts. May training din ako sa paggamit ng baril, pero siyempre, supervised lahat. May doktor din na tumutulong sa akin para
Read more