Jalina POVAkala ko talaga ay magagalit at tututol si Tita Hera. Pero iba talaga ang nag-iisang Rainn.“Kung business naman pala, susuportahan kita,” sabi niya. “Wala naman akong problema kung gusto mong magkaroon ng sarili mong pinagkakaabalahan. Ang sa akin lang, bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“Heto na, ngayon na, sinasabi ko na,” prangkang sagot niya.“Fine, sige, susuportahan kita, pero dapat bantay-sarado ka pa rin kay Jalina,” sagot ni Tita Hera, na lalong nagpa-goods. Ibig sabihin lang nito, mas mapapadalas na ang pag-stay namin ni Rainn sa Krovana Lake. Need na need din kasi namin iyon.“Bahala ka sa gusto mo. Pero, talaga bang pati sa business, kailangang nakadikit pa rin ‘yang pamangkin mo?” tanong ni Rainn na biglang parang sukang-suka sa akin. Napakagaling din talagang umarte. “Nakakasawa rin ang pagbuntot palagi niyan. Pati sa business, nandoon pa rin,” angal pa rin niya.“Tita Hera, dapat nandoon pa rin ako. Dapat lang, para mas mabantayan ko pa ‘yang si Uncle Rainn,
Read more