Hera POVGood mood ako ngayon kasi maganda ang kita ng mga product ko. Ilang araw na kaming pumapaldo, kaya sinong hindi mapapangiti.Nasa loob ako ng opisina ko sa The Hera Label, Bags & Shoes, abala sa pagrepaso ng mga bagong disenyo ng handbag na ilalabas namin sa susunod na koleksiyon. Nasa harapan ko ang ilang dokumento, mga ulat sa benta, at mga email na kailangang sagutin bago matapos ang araw na ito.Maayos ang takbo ng negosyo ko. Hindi man perfect ang lahat, alam kong kaya kong kontrolin ang mga nangyayari sa kompanya ko.Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Isang message mula sa hindi naka-register sa phone ko ang natanggap ko. Binuksan ko iyon nang walang gaanong interes, ngunit ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay biglang nanlamig ang mga kamay ko.₱5,000,000.₱10,000,000.Halos ₱20,000,000.Nanlalaki ang mga mata ko. Binasa ko ulit ang messagge at muli akong hindi makapaniwala. Tatlong magkakahiwalay na halagang milyon-milyon ang sinisingil sa akin ng tatlong lalaki
Read more