Chapter 11Celine’s POVSa silid ko, nag-ready na ako ng isusuot. Kahit mag-5 na buwan na ang tiyan ko, hindi pa naman ito kalakihan at parang busog lang ako. Kaya may figura pa rin ako. Di ko naman intensiyong itago ang lumalaki kong tiyan. Hindi lang talaga siguro pare-pareho ang changes sa mga nagbubuntis. Sabi ni Dr. Romero ay ayos lang naman ang timbang ko, pati ang bata ay nasa mabuti ring kalagayan. Noong last check-up ko, di pa rin makita ang kasarian niya dahil nakabaligtad siya noong nag ultra sound ako. Kaya maghihintay pa ng ilang buwan sakaling umkot pa siya o malaman na lang kapag nanganak ako.Nagsuot ako ng itim na maong na pantalon, na kasya pa naman sa akin, pagkatapos ay blouse na kulay green na bumagay sa skin tone ko. Nalimutan ko kasing itanong kung may dress code ba. Pero kapag mayroon, madali na lang namang makapagpalit. Paglabas ko, naghihintay na pala si Alaric sa akin sa sasakyan.Hindi naman formal ang suot niya, kaya bumagay na rin ang suot ko.Ma
Last Updated : 2026-04-20 Read more