LOGINChapter 119Celine’s POVNakita ko kung papaanong inaasikaso ni Andreia ang kanyang kinilalang ina.Binihisan niya ito ng isang magandang bestida, at pinagupitan ng buhok.Halos hindi ko maalis ang paningin ko sa kanila.Maingat si Andreia sa bawat ginagawa niya kay Grace. Inaayos niya ang buhok nito, tinitingnan kung bagay ang suot na bestida at kung minsan ay tinatanong pa kung komportable ba ito.Nakikita ko sa mga mata ng anak ko ang saya.At sa mga mata naman ni Grace, naroon ang isang pagmamahal na hindi ko maipaliwanag.Nagpapasalamat ako na kahit nahirapan ang anak ko sa buhay ay may isa namang ina na nagmahal sa kanya ng tunay ayon sa kakayahan nito.Hindi man naging perpekto ang buhay ni Andreia, may isang taong hindi siya iniwan.May isang taong kumalinga sa kanya.May isang taong nagmahal sa kanya sa paraang alam nitong tama.At bilang isang ina, dapat ay matuwa ako roon.Dapat ay magpasalamat ako.Pero habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang masaktan.Ang tunay n
Chapter 118Celine’s POVNang maguwian na ang mga bisita, isinama namin ni Alaric sa bahay ang kinilala niyang inang si Grace.Bantulot pa siya noong una. May galit pa rin ang kanyang ekspresyon sa mukha. Pero hindi gaya noong una. Mas kalmado na siya ngayon.Marahil ay napagtanto rin niyang wala namang mabuting maidudulot ang patuloy na pagsigaw at galit.May mga bagay na hindi nareresolba sa sigawan at galit.Kailangan na magkaroon ng tamang pag-uusap.Kailangan nating pakinggan ang bawat panig.Dahil kung puro galit lamang ang paiiralin namin, baka lalo lamang lumala ang sitwasyon. Hindi namin mababawi ang mga taon na nawala, pero maaari naming simulan ang pagbuo ng mga bagong alaala.At marahil iyon ang pinakamahalaga ngayon.Pagkababa namin ng sasakyan, nakita kong nagulat siya.Ilang segundo siyang nakatitig sa malaking bahay na ngayon ay bahagi na ng buhay ni Clariz.“Dito ka na nakatira ngayon Clariz?”“Opo Nay.”May kakaibang emosyon sa mukha ni Grace nang marinig niya ang sa
Chapter 117Celine's POVNagulat na lamang kami nang marinig namin ang malakas na sigaw ng isang babae na paulit-ulit na tinatawag si Clariz o Andreia.“Clariz! Clariz! Clariz!”Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong events place. Napatingin ang mga tao sa aming paligid. Ang ilan ay nagbulungan, habang ang iba naman ay halatang nagtataka kung sino ang babaeng iyon at bakit tila desperado itong hanapin ang isang tao.Kilala namin kung sino ang tinatawag nito.“Si Andreia,” mahina kong sambit.Napatingin ako kay Alaric. Kita ko rin sa kanyang mga mata ang pagkabigla.Bago pa makabalik si Andreia sa amin, ay pinahanap na ni Alaric ang kinilala nitong ina. Gusto naming malaman ang buong katotohanan. Gusto naming makausap ang babaeng nagpalaki sa aming anak at malaman kung paano napunta sa kanya si Andreia.Pero wala ito sa kanilang dating bahay at matagal na itong hindi umuuwi. Gayunman, nag-iwan ito ng contact number para sakaling bumalik ay pormal naming makausap.Pero paano niya nala
Chapter 117Celine's POV“Wow, napakaganda ng anak mo.”“Para talaga siyang combination ninyo ni Alaric,” sabi ng isang guest.“At naikuwento mo, she is taking architecture?”“Oo, kahit magkalayo kami. Hindi ko akalain na pareho kami ng gusto.”“Hindi lang talented iyang si Andreia, she is also brilliant.”“Totoo ba? Two times siyang accelerated? Kaya college na siya now?”“Yes.”“Napakahusay naman niya, plus the factor na hindi alam na may mga bilyonaryo siyang mga magulang.”“What can she ask for?”“Oo, tama!”“Mabuti na lang talaga pinasarado ninyo ang hospital na iyon.”Biglang naalala ko ang hospital kung saan ako nanganak, dahil sa iskandalo at pagkawala ni Dreia.Marami ang nagduda.Kaya unti-unting nawawalan na sila ng pasyente.Sa totoo lang, hindi naman namin ipinasara iyon, kahit gustong-gusto ni Alaric.May mga bagay lang talagang hindi makontrol.Pero ang pagkawala at pagpalit kay Dreia sa ibang bata ay iba na ang usapan.Hanggang ngayon ay may mga tanong pa rin na hindi
Chapter 117Alaric’s POV“Nasaan ang mommy mo?” tanong ko kay Dreia nang dumating siyang mag-isa.“Susunod na lamang sila, Dad. Nag-attitude pa kasi ang anak ninyo, eh.”“Ano ang ibig mong sabihin?”Hindi siya sumagot bagkus ay tiningnan lamang niya ako na parang sinisisi.Pagkatapos ay mabilis siyang umalis sa harap ko, na parang ayaw pa niyang tanungin ko pa siya.Napakunot ang noo ko.Hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Lalo na ang paraan ng pagsasalita niya tungkol sa sarili niyang kapatid. Ngunit ayaw kong sirain ang gabing ito dahil may mas mahalaga akong hinihintay.Halos binabati si Dreia ng lahat at proud na proud sa sarili.May confidence siya dahil sa dala-dala niya ang apelyidong Thorne. Hindi ko alam kung gusto ko pa siyang ampunin. Sa lahat ng ipinakita niya sa anak ko, mas makakabuting umalis na siya.Kung hindi lamang sa kahilingan ni Celine, matagal ko na siyang pinalayas.Halata ko sa bawat kilos at pagsasalita niya. Hindi totoo ang mga ipinapakita niya. Naririto lam
Chapter 117Celine POVSumapit na ang araw ng Welcome Party para sa aming prinsesa na si Andreia.Naging abala kami sa paghahanda. Gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sa kanya. Matagal naming hinintay na tuluyan na siyang makabalik sa aming pamilya, kaya gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya at espesyal sa amin.Si Alaric ay bihis na, at maging ang dalawang anak naming lalaki ay gayundin si Dreia. Inaayusan pa siya ng glam team.“Wow, anak, napakaganda mo.”Ngumiti si Andreia habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. Halatang nasisiyahan siya sa resulta ng kanyang make-up at hairstyle. Hindi ko rin maikakaila na napakaganda niya.Inilabas na ang gown na isusuot niya at pinasukat ko.Maganda naman at simple, pero nakukulangan pa rin ako.Gusto ko sanang maging perfect ang lahat para kay Andreia. Ayokong may makahigit sa kanya sa sarili niyang Welcome Party.Pumasok bigla si Dreia na nakaayos na.Suot-suot ang kanyang pulang gown.Napahinto ako.Napakaganda niy
Chapter 12Alaric’s POVNagalala ako sa aksidente ni Celine. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya na masama. Inaasahan at inaakala ko pa naman na lahat ay magiging maayos doon sa gusaling iyon. Pero nabigo ako. Humanga ako sa kanya dahil may alam din talaga ito sa kan
Chapter 8Alaric Thorne POV“Di ko maiwasang maawa sa babaeng ito. Ang babaeng ito na asawa ko. Napakaliit ng katawan. Napakahina. Ano bang paghihirap ang mga naranasan pa niya at ano pa ang daranasin sa piling ko?” “At ngayon, siya ang magiging ina ng anak ko. Hindi ako makapaniwala na naisang
KABANATA 5Celine Herrera POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang magising ako sa clinic na ito. Sa loob ng dalawang araw na iyon, wala akong ibang nakita kundi ang mga nurse na nagdadala ng masustansyang pagkain at ang mga bodyguard na nakatayo sa labas ng pinto ko. Hindi ako pinapayagang lum
KABANATA 4Celine Herrera POV Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bum







