Chapter 41Claudia’s POVHindi umalis si Van sa tabi ko habang ako’y nagpapagaling. Mula nang makabalik kami sa palasyo, halos hindi na niya ako iniwan kahit isang sandali. Para bang sa bawat pagkurap niya ay natatakot siyang maglaho na naman ako sa kanyang paningin.Mas lalo pa niyang pinaigting ang seguridad sa buong palasyo. Dumoble ang mga guwardiya sa bawat pasukan. Kahit ang mga taong dati nang malayang nakakapasok ay kailangan nang dumaan sa masusing inspeksiyon.Alam kong hindi lang dahil First Lady ako.Dahil natatakot siya.Natatakot siyang mawala ako.Habang nakaupo ako sa sala isang hapon, dumating si Bea, isa sa mga pinagkakatiwalaang gabinete ni Van.“Claudia, I’m glad that you are home now!” agad niyang sabi bago niya ako mahigpit na niyakap.Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang bahagyang pagluha niya.“Magkuwento ka naman. Anong ginawa mo? Paano ka nakatakas sa mga kidnappers?”Bahagya akong natigilan.Muling bumalik sa isip ko ang madilim na bodega. Ang
Terakhir Diperbarui : 2026-06-01 Baca selengkapnya