Share

Deceit

Penulis: Ely
last update Tanggal publikasi: 2026-06-01 13:41:08

Chapter 41

Claudia’s POV

Hindi umalis si Van sa tabi ko habang ako’y nagpapagaling. Mula nang makabalik kami sa palasyo, halos hindi na niya ako iniwan kahit isang sandali. Para bang sa bawat pagkurap niya ay natatakot siyang maglaho na naman ako sa kanyang paningin.

Mas lalo pa niyang pinaigting ang seguridad sa buong palasyo. Dumoble ang mga guwardiya sa bawat pasukan. Kahit ang mga taong dati nang malayang nakakapasok ay kailangan nang dumaan sa masusing inspeksiyon.

Alam kong hindi lang dah
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Greatest Plot

    Chapter 44Claudia's POVLumuwag ang dibdib ko nang tuluyan nang sabihin ni Van na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo.Sa loob ng maraming taon, nakita ko kung paano siya binago ng politika. Hindi siya naging masamang tao, ngunit unti-unti nitong ninakaw ang kanyang oras, katahimikan, at maging ang mga simpleng sandaling dapat sana'y kasama niya ang aming pamilya. Ngayon na lumalaki na ang aming anak, nakita niyang mas mahalagang naroroon siya sa bawat unang hakbang, unang salita, at bawat tagumpay nito kaysa muling makipaglaban sa maruming mundo ng kapangyarihan.Hindi ko siya kailanman pinigilan.Sa katunayan, mas lalo ko siyang minahal dahil sa naging desisyong iyon.Anim na taon siyang nagsilbi nang buong katapatan. Marami siyang isinakripisyo para sa bayan. Ngunit sa huli, napagtanto niyang hindi sapat ang mabuting hangarin upang mabago ang isang sistemang matagal nang nilalamon ng pansariling interes.Akala niya noon ay iyon ang kanyang tadhana.Ngunit minsan, ang tunay na mi

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Storm

    Chapter 43Vanruth’s POVMula nang isilang ni Claudia ang aming anak na si Gabriel, tila nagbago ang buong pananaw ko sa buhay.Dati, nagtatrabaho ako para sa mga pangarap ko.Ngayon, nagtatrabaho ako para sa kinabukasan ng anak ko.Tuwing gigising ako sa umaga at makikita ang kanyang munting mukha, pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng panibagong lakas. Kahit gaano kahirap ang trabaho bilang Pangulo, kahit gaano karaming problema ang kailangan kong harapin sa loob ng isang araw, sapat na ang isang ngiti ni Gabriel upang mawala ang lahat ng pagod.Madalas kaming magkuwentuhan ni Claudia tungkol sa kanya.Kapag natutulog si Gabriel sa pagitan namin, pinag-uusapan namin ang kanyang magiging kinabukasan."Sa tingin mo, magiging abogado siya?" tanong ni Claudia minsan habang pinagmamasdan ang aming anak.Napatawa ako."Parang hindi. Masyadong makulit.""Baka doktor?""Baka engineer.""Arkitekto?""Politiko?"Sabay kaming natawa.Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ni Claudia."Anuman ang p

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   The Gift

    Chapter 42Claudia’s POVDumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay namin ni Van.Ilang buwan naming pinangarap ang sandaling ito. Ilang gabi kaming magkatabing nakahiga habang pinag-uusapan kung sino ang kamukha ng baby, kung paano namin siya palalakihin, at kung gaano kasaya ang magiging buhay naming tatlo.Pero tulad ng maraming magagandang bagay sa buhay, hindi naging madali ang pagdating ng aming munting himala.Nasa delivery room ako nang nararamdaman kong may kakaiba.Masakit.Nakakapagod.At parang unti-unting nauubos ang lakas ko.Samantala, sa labas ng silid, halos mabutas na ni Van ang sahig sa kakalakad. Hindi siya mapakali. Paulit-ulit siyang nagtatanong sa mga doktor at nurse.Hanggang sa lumabas ang isa sa mga doktor at seryosong lumapit sa kanya.“Mr. President, may kaunti lang tayong problema.”Nanigas si Van.“Ano iyon?”“May eclampsia po ang First Lady. Bigla pong tumaas ang kanyang blood pressure.”Parang tumigil ang mundo niya.Lahat ng ngiti at excitemen

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   What Eyes Can't See

    Chapter 42Vanruth’s POVPinulong ko agad ang mga taong humahawak sa kaso ng pagdukot kay Claudia.Mabigat ang hangin sa conference room.Walang nagsasalita.Walang nangangahas na tumingin nang diretso sa akin.Alam nilang galit ako.At may dahilan ako para magalit.Ilang linggo nang lumilipas, ngunit pakiramdam ko ay paikot-ikot lamang kami sa parehong impormasyon.Bawat lead na sinusundan namin ay nauuwi sa wala.Bawat taong maaaring magsalita ay biglang nawawala.At ngayon, ang mga suspek na maaari sanang magbigay ng mga sagot ay patay na.Napahampas ako sa mesa.“Bakit ninyo hinayaan na mapatay ang mga taong iyon?”Nagkatinginan ang mga opisyal.Walang sumagot agad.“Ang bilin ko ay paigtingin ang seguridad!”Lalo akong nagtaas ng boses.“Bakit ninyo hinayaan na mangyari ito?”Tumayo ang pinuno ng task force.“Pasensya na po, Mr. President.”“Pasensya?”Napatawa ako nang walang bahid ng kasiyahan.“Sadyang mahusay na naiplano ang pagpatay sa kanila,” pagpapatuloy niya.“Malinis an

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Deceit

    Chapter 41Claudia’s POVHindi umalis si Van sa tabi ko habang ako’y nagpapagaling. Mula nang makabalik kami sa palasyo, halos hindi na niya ako iniwan kahit isang sandali. Para bang sa bawat pagkurap niya ay natatakot siyang maglaho na naman ako sa kanyang paningin.Mas lalo pa niyang pinaigting ang seguridad sa buong palasyo. Dumoble ang mga guwardiya sa bawat pasukan. Kahit ang mga taong dati nang malayang nakakapasok ay kailangan nang dumaan sa masusing inspeksiyon.Alam kong hindi lang dahil First Lady ako.Dahil natatakot siya.Natatakot siyang mawala ako.Habang nakaupo ako sa sala isang hapon, dumating si Bea, isa sa mga pinagkakatiwalaang gabinete ni Van.“Claudia, I’m glad that you are home now!” agad niyang sabi bago niya ako mahigpit na niyakap.Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang bahagyang pagluha niya.“Magkuwento ka naman. Anong ginawa mo? Paano ka nakatakas sa mga kidnappers?”Bahagya akong natigilan.Muling bumalik sa isip ko ang madilim na bodega. Ang

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Rescue Me

    Chapter 40Claudia’s POVNagising na lamang ako sa isang silid na matapang ang amoy ng alcohol at antiseptic.Parang napakabigat ng buong katawan ko. Ang bawat bahagi nito ay tila dinadaganan ng toneladang bato. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Puti.Halos puting-puti ang lahat ng nasa paligid.Ang kisame.Ang mga kurtina.Ang mga ilaw.Maging ang mga taong gumagalaw sa loob ng silid ay tila nababalot ng mapusyaw na liwanag.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame habang pilit kong inaalala kung nasaan ako.Pagkatapos ay bumalik ang mga alaala.Ang kagubatan.Ang walang tigil na pagtakbo.Ang mga putok ng baril.Ang mga sigaw.Ang dugo.At ang desperasyon kong mabuhay.Bigla akong napasinghap."Gising na siya!""Gising na ang First Lady!"Naghalo-halong tinig ang narinig ko.Dumadagundong ang tibok ng puso ko habang sinusubukang igalaw ang katawan.At pagkatapos...Isang tinig ang tumagos sa lahat ng ingay.Isang tinig na ilang gabi kong pinangarap marinig habang nakakulong ak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status