Natigilan si Isobel at bahagyang napakurap sa sinabi ng matanda."Lola..." mahina niyang sambit.Ngunit si Lola Donna ay nakangiting nakatingin lamang sa kanya, tila matagal nang nauunawaan ang lahat. Kitang-kita sa mga mata ng matanda na matagal na nitong napapansin ang nararamdaman ng dalaga, kahit hindi pa ito kailanman umaamin nang direkta."My dear, it's obvious," natatawang sabi ni Lola Donna. "Mula nang mabanggit ng Lolo mo ang batang iyon sa hapunan, parang nawalan ka na ng gana kumain. Hindi mo naman kailangang magkunwari sa harap ko."Bahagya itong yumuko at marahang tinapik ang kamay ni Isobel."It's normal to worry about someone. Especially when you're about to get married. As his future wife, of course you'd be concerned about your fiancé, wouldn't you?"Sa sinabi ng matanda, agad na namula ang mukha ni Isobel.Mabilis siyang umayos ng upo at iniwas ang tingin upang itago ang kanyang kahihiyan."Lola, please stop teasing me," depensa niya. "I'm only worried because
Leer más