Pagkatapos ng meeting, agad na hinanap ni Isobel si Zia. Pero pagdating niya sa work area nito, bigla siyang natigilan. Malinis na ang mesa. Wala nang kahit anong gamit. Parang walang taong nagtrabaho roon. Agad niyang nilapitan ang apat pang miyembro ng team."Anong nangyari kay Zia? Nasaan siya?"Nagkatinginan ang apat. Pare-pareho silang naguguluhan."Miss Isobel, hindi rin namin alam. Kaninang umaga, pagdating niya rito, nilibre pa niya kami ng breakfast. At bumili rin siya ng milk tea para sa lahat. Mayamaya, nagpunta kami sa project meeting. Sabi niya, pupunta lang siya sa restroom. Pagkatapos no'n, hindi na siya bumalik. At nang matapos ang meeting namin, nakita na lang naming wala na ang lahat ng gamit niya. Parang, parang nag-resign na siya."Biglang bumigat ang pakiramdam ni Isobel. May hindi magandang kutob na sumagi sa isip niya. Mabilis niyang inilabas ang cellphone para tawagan si Zia. Pero bago pa siya makatawag, may pumasok na notification. Isang resignation request
Ler mais