CHAPTER 109“Naku ayos lang po iyon Mr. Suarez. Naiintindihan ko naman po ang inyong asawa dahil maaaring naiilang po siya sa akin,” sabat naman ni Jake sa mag asawa at saka siya tumingin kay Allaicka. “Pasensya na po Mrs. Suarez kung medyo nailang kayo sa aking biglaang pagpunta rito,” baling naman niya rito.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Allaicka at napatingin pa siya sa kanyang asawa na nakatingin na rin pala sa kanya.“Ahm… P-Pasensya na Mr. Alvarez. H-Hindi ko lang din talaga alam kung ano ang sasabihin sa’yo lalo na at wala naman talaga akong alam pa tungkol sa negosyo ninyo,” nauutal pa na sagot ni Allaicka rito.“It’s okay Mrs. Suarez. Balang araw ay matututunan mo rin ang mga bagay na yan,” sagot ni Jake at saka siya muling tumingin kay Benjamin. “Ahm. Mr. Suarez, pasensya na nga pala sa biglaan kong pagpunta rito sa iyong opisina. Gusto lamang din kasi kitang personal na kumustahin dahil alam ko na napakabusy mo talaga netong mga nakaraang mga araw,” baling naman
Read more