CHAPTER 113“J-Jake, kagaya nga ng sinabi ko kanina. ahmm. medyo n-nakukunsensya na kasi ako sa ginagawa ko sa aking asawa,” nauutal naman na sabi ni Allaicka sa binata.Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Jake dahil sa sinabi na iyon ni Allaicka.“What do you mean? Ayaw mo na ba? Ngayon ka pa ba nakunsensya kung kelan paulit ulit na natin itong ginawa?” sunod sunod naman na tanong ni Jake kay Allaicka.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Allaicka dahil sa totoo lang ay natatakot talaga siyang sabihin ang bagay na ito sa binata.“Ahm… a-alam ko naman na ilang buwan na natin itong ginagawa pero kasi… h-hindi ko talaga maiwasan na hindi makunsensya ngayon. Matanda na ang asawa ko at natatakot ako na baka isang araw ay malaman niya ang tungkol sa atin. K-Kaya naman g-gusto ko na sanang itigil na natin ito, Jake,” lakas loob naman na sagot ni Alalicka at talaga namang kandautal na siya sa pagsasalita dahil sa kaba.Nagulat naman si Jake sa sinabi na iyon ni Allaicka
Read more