Kinumusta ko ang asawa ko nang magising siyang okay. Nakaupo ako sa gilid, sa tabi ng kama niya."Pinakakaba mo ako, e," nagkukunwari kong concern sa kaniya."My love, don't be. Kaya ko ito," sagot ni Rolando upang palakasin ang loob ko."Rolando, kumusta ka? May masakit ba sa 'yo? Okay ka na ba? Ano?" sunod-sunod namang tanong ni Camilla nang makapasok silang magkakapatid sa room.Lihim akong napairap sa concern niya."I'm okay, Camilla. Don't worry about me.""Ano na naman ba'ng pinakain sa 'yo ni Celestine at nagkagan'yan ka? Ni hindi ka man lang niya maalagaan nang maayos," bigla pa'ng hirit ng matandang 'to."Camilla, stop. Don't blame my wife," sabi ni Rolando kaya natigilan ang menopausal sister niya. "Pwede ba'ng... iwan niyo muna kaming dalawa? May dapat kaming pag-usapan ng misis ko.""Kuya—""Camilla, please?""Hmm... fine."Lumabas ang mga kapatid ni Rolando kaya't ni-lock ko naman ang gate. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin, ah? About na ba ito sa mamanahin ko?"Ano'n
Last Updated : 2026-04-15 Read more