CHAPTER 130Nang makarating na sila sa opisina ni Benjamin ay saglit lamang din naman na kinausap ni Benjamin si Allaicka at saka niya ito pinapunta sa pwesto ng kanyang sekretarya para maturuan ito sa mga dapat nitong gawin ngayon.“Good morning po ma’m,” bati ni April sa asawa ng kanyang boss.“Good morning din sa’yo, April,” bati rin naman ni Allaicka rito at saka niya ito tipid na nginitian.“Long time no see po ma’m. Mukhang napasarap po yata ang bakasyon ninyo,” sagot naman ni April habang kinukuha nito ang mga gagawin ni Allaicka.Nagulat naman si Alalicka sa sinabi na iyon ni April at napalunok pa nga siya ng sarili niyang laway dahil ang akala pala nito ay nagbakasyon siya.“H-Ha? O-Oo, napasarap nga ako sa p-pagbabaksyon ko,” kandautal naman na sagot ni Allaicka rito.“Sana all na lang po talaga ma’m,” natatawa naman na sagot ni April. “Ma’m eto nga po pala ang mga dapat ninyong gawin. Ilan po iyan sa mga hindi natapos ni sir at sabi po niya ay ibigay ko raw po sa inyo,” sa
Read more