CHAPTER 19Matapos nilang kumain ay saglit naman na natapunan ng tingin ni Allaicka si Jake at kitang kita niya kung paano siya titigan nito kaya naman pasimple niya itong pinandilatan ng mata dahil baka makahalata ang kanyang asawa sa kanilang dalawa.Tumikhim naman si Jake at saka ito umayos ng kanyang pagkakaupo.“Mr. Suarez, napakaganda pala talaga ng iyong mansyon. At itong garden ninyo nakakarelax siya at parang ang sarap na lang tumambay dito maghapon,” puri ni Jake sa mansyon ng mag asawa habang iginagala niya ang kanyang paningin.“Well, syempre dahil iyan sa aking asawa. Kung ako lang kasi ay malabong magkaroon ng garden dito sa aking bahay at isa pa ay wala akong hilig at panahon sa ganyang mga bagay. Kaya naman nagpapasalamat talaga ako dahil kahit na may edad na ako ay biniyayaan pa rin ako ng asawang mabait, maalaga at mapagmahal na kagaya ni Allaicka,” sagot naman ni Benjamin dito at saka nito magaan na hinalikan sa labi si Allaicka.Hindi naman inaasahan ni Allaicka na
Read more