CHAPTER 40Kinabukasan naman ay maagang nagising si Allaicka para asikasuhin ang mga damkit na dadalhin ng kanyang asawa. Sa totoo lang ay mabigat sa loob niya na payagan itong umalis ng hindi siya kasama pero wala naman siyang magawa dahil kailangan talaga nitong pumunta roon.Isang linggo mananatili si Benjamin sa Thailand dahil iba iba ang mga kameeting nila roon. At kahit pa nga matagal sila roon ay talagang magiging abala rin sila dahil hindi sila pwedeng mag aksaya ng oras habang naroon sila ng kanyang team.“Wag ka ng malungkot, hon. Hayaan mo pagbalik ko ay ipapaayos natin ang passport mo at magbabakasyon naman tayong dalawa sa ibang bansa,” sabi ni Benjamin sa kanyang asawa ng makita niya na malungkot ito habang inaayos ang kanyang mga gamit.“Nag aalala lang kasi ako sa’yo. Ngayon lang tayo magkakalayo ng matagal kaya hindi ko talaga maiwasan na hindi mag alala,” sagot naman ni Allaicka at saka ito bumuntong hininga. “Ang mga gamot mo ha. Wag mong kakalimutan na inumin,” dagd
Read more