CHAPTER 61Napalunok naman ng sarili niyang laway si Allaicka dahil sa huling sinabi na iyon ni Benjamin at mabuti na lang talaga at hindi niya ito kaharap ngayon dahil kung nagkataon ay baka nahalata na nito na kinakabahan na siya ng mga oras na iyon.“O-Oo naman. Hindi naman kita lolokohin,” nauutal pa na sagot ni Allaicka.“So ano? Pumapayag ka na ba? Please, pumayag ka na. No choice lang talaga ako at wala akong ibang pwedeng ipadala sa Cebu kasama si Mr. Alvarez,” tanong pa ulit ni Benjamin dahil kailangan talaga na may representative siya roon dahil maraming kilalang invvestors ang dadalo sa naturang conference na iyon.“S-Sige, pumapayag na ako. B-Basta siguraduhin mo na wala akong ibang gagawin doon ha,” napipilitan naman na sagot ni Allaicka sa kanyang asawa.“Oo, si Mr. Alvarez na ang bahala roon at ibibilin ko na wag ka niyang pabayaan doon,” sagot naman ni Benjamin. “By the way para hindi ka mahirapan doon since ilang araw ka ring mamamalagi roon ay gusto ko na magsama ka n
Baca selengkapnya