CHAPTER 166“M-Maarari ba na bilhan mo ako ng pregnancy test kit. At kung maaari lang ay palihim kang bumili nito,” sagot ni Allaicka sa dalaga at bahagya pa na napahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga. “Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon Vanessa kaya nakikiusap ako na sana ay wala kang ibang pagsasabihan ng tungkol dito,” dagdag pa niya.“P-Po? B-Bakit naman po kailangan nyo pag ilihim ito? May asawa naman po kayo ma’m kaya normal lang po na mabuntis kayo ni sir,” tila naguguluhan naman na sagot ni Vanessa rito.“Hindi mo naiintindihan Vanessa. Saka ko na lamang ipapaliwanag sa’yo ang lahat. Ang importante ngayon ay mabilhan mo ako ng pregnancy test kit para malaman na natin kung totoo ba ang hinala mo na iyan,” sagot ni Allaicka rito.Bigla namang natigilan si Vanessa at ngayon lang niya narealize kung ano ang ibig sabihin ng kanyang amo. Napabuga pa tuloy siya ng hangin sa kanyang bibig dahil sa totoo lang ay kinakabahan din kasi talaga siya dahil panigurado na ma
Read more