Chapter 175"Azrael!" tawag ni Scarlett mula sa labas ng restroom.Mabilis niyang itinago ang kaniyang phone at agad na lumabas."Azrael, tingnan mo 'tong mga pagkaing in-order namin. Gusto mo pa bang magdagdag ng iba?" nakangiting tanong ni Scarlett sabay abot ng QR code sa mesa para i-scan niya."Huwag na, kayo na ang mamili," malamig pero pilit na ngiti ni Azrael.Nakatagay na ang alak sa mesa, at ang bawat isa sa kanila ay may hawak nang baso sa tapat."Oo nga naman, ilang taon na tayong magkakasama ni Azrael, ilang beses na tayong nakakain at nakainom nang sama-sama, wala nang kailangang pakikipag-plastikan o pagiging masyadong pormal," hirit ni Owen."Kahit na... pero kasi..." ngumiti si Scarlett habang nakatingin kay Azrael. "President na si Azrael ngayon, isang sikat at umuunlad na tao na. Hindi na siya 'yong tangang batang nakilala natin noon."Inabot ni Azrael ang baso ng alak sa kaniyang tapat at dire-diretso itong ininom nang isang tegahan lang."Kahit sino pa si Azrael, p
Read more