PAGE FIFTEEN “TUTULOY NA PO AKO,” paalam ni Sevastian, bahagyang yumuko bilang paggalang.“Ah, s-sige! Salamat sa pagbisita, Sevastian,” tugon ni Nanay, may halong saya at pag-aalala sa boses.“Wala po ’yun. Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil pinayagan n’yo po akong manligaw sa anak n’yo,” magalang niyang sagot.Ngumiti si Nanay at lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Sevastian, tila sinisiguro ang sinseridad nito.“Sana lang… huwag mong sasaktan ang anak namin. Alam kong magkaiba ang mundong ginagalawan n’yo, pero sana hindi ’yon maging hadlang sa inyo ni Carmella.”“Don’t worry po,” agad niyang sagot, puno ng kumpiyansa. “Hindi po gano’n ang parents ko. They don’t look at status. They like Carmella… especially my mom. She thinks Carmella is genuinely kind.”Napatingin siya sa akin habang sinasabi iyon—parang ako lang ang nakikita niya sa mundo.“Salamat, Sevastian,” ani Tatay.Tumango lang siya, may simpleng ngiti sa labi.“O siya, Carmella. Ihatid mo na siya sa gate,
더 보기