CHAPTER 168Nangapa ito ng sasabihin."Ah..." Nangapa ito ng sasabihin. Nakita ko kung paano siya nag-iwas ng tingin sa aming lahat. Halata rin ang panginginig ng kanyang mga kamay."Hindi ko po kasi natatandaan na nasabi ko 'yan sa 'yo, Manang. Bakit niyo po alam?" ulit na tanong ko pa. Tumikhim si Ninong Dwayne nang ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin nakakasagot ang matanda. Nanatili itong nakayuko."Talk, Manang Jas. Explain this to us," wika ni Ninong. Nakakunot ang noo ni Manang Anne at Ate April habang palipat-lipat ang mga tingin nito sa amin."Isahang tanong na lang, Manang Jas. Para matapos na tayong lahat. Ikaw ba ang naglagay nung mga lipstick, mga panty, at bikini sa gamit ni Ninong? Si Stephanie ba ang nag-utos sa 'yo?" matapang na tanong ko. Napasinghap si Ate April. Nag-angat ito ng tingin. Napalunok ng dalawang beses at tila hirap ng magsalita. "M-ma'am," hilaw itong ngumiti. "M-ma'am, wala po akong alam sa sinasabi n'yo. Wala po akong kinalaman doon. At
Read more