分享

CHAPTER 165

作者: kenkenrows
last update publish date: 2026-06-14 13:53:41

CHAPTER 165

"Sa kwarto n'yo 'yan pag-usapan, Rizza," bulong ni Manang Anne sa akin.

Tumango ako at dahan-dahang tumayo. Hindi ko man lang sinulyapan si Ninong Dwayne para mas maging kapani-paniwala na galit ako sa kanya.

Mabagal akong naglakad paakyat sa hagdan. May naririnig din akong mga yapak sa aking likuran. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ang nasa likod ko.

Pinagbuksan pa ako ni Ninong ng pinto.

Nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng kwarto ay sabay na lumabas ang amin
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 166

    CHAPTER 166I didn’t know what to answer her. When did I ever say anything like that to her? I had no idea what she and my wife were talking about. She thought I was the one replying to her messages, but I never sent even a single reply. It was Rizza she was talking to not me. I was actually wondering what the two of them had been discussing all this time.“Why are you doing this?” I asked her.I tried to put some distance between us, but she just kept moving closer. She pressed her chest right against my arm.Fvck. I felt like I am really cheating.I am not alone in this room. It would be risky we might mess up our plan. Joseph is with me in this room. He’s here too, just hiding out of sight. “I’ve liked you for so long, Sir. Ever since I first set foot in your company. I promised myself I would make you mine,” she said, running her fingers along my neck.I felt like I was going to throw up. “All my plans fell apart when you got involved with that katulong of yours. I’m far better

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 165

    CHAPTER 165"Sa kwarto n'yo 'yan pag-usapan, Rizza," bulong ni Manang Anne sa akin.Tumango ako at dahan-dahang tumayo. Hindi ko man lang sinulyapan si Ninong Dwayne para mas maging kapani-paniwala na galit ako sa kanya. Mabagal akong naglakad paakyat sa hagdan. May naririnig din akong mga yapak sa aking likuran. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ang nasa likod ko. Pinagbuksan pa ako ni Ninong ng pinto.Nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng kwarto ay sabay na lumabas ang aming mga halakhak. Hawak-hawak ko pa ang aking tiyan habang naglalakad ako paupo sa kama."Paniwalang-paniwala sila, Ninong. Naaawa na tuloy ako kay Manang Anne at Ate April!"Tumatawa pa rin ito habang tinatanggal niya ang kanyang necktie at sunod niya namang tinanggal ang mga butones ng suot niya."After this, we'll explain everything to them," aniya at tuluyang ng tinanggal ang suot na damit bago ito naglakad papunta sa akin. Yumuko siya saglit at dinampian ng halik ang aking noo bago siya umupo

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 164

    CHAPTER 164"Hintayin na lang nating umuwi mamaya si Sir Dwayne," mahinahong sabi ni Manang Anne. "Basta, kahit ano'ng mangyari nandito lang kami para sa 'yo, Rizza. Kahit boss namin si Sir Dwayne, papanig pa rin kami kung sino ang tama sa inyong dalawa. Pag-usapan niyo ito ng mahinahon. Isipin mo palagi na buntis ka," paalala niya sa akin. Concern na concern sila sa 'kin. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kapag sinabi ko sa kanila na hindi ito totoo at palabas lang namin ni Ninong? "Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko kapag wala kayo sa tabi ko," Ngumiti si Ate April at Manang Anne pero nasisigurado ko na ang mga ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa mga mata nilang dalawa.Kasalanan 'to ni Manang Jas. Ngayon alam na namin kung sino ang kasabwat niya. Kaya pala nandoon din ang buong pamilya ni Stephanie nung pumunta kami sa beach. May spy naman pala siya sa bahay namin. At malamang, kaya malayang nakakapasok si Manang Jas sa loob ng

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 163

    CHAPTER 163Naiinis siyang nilingon ni Manang Anne."Anong aalis? Nahihibang ka na ba, Jas? Kita mong buntis itong si Rizza!" galit na sabi ni Manang Anne sa kanya habang hianhaplos ang aking likuran.Dumating si Ate April na may dalang isang basong tubig at ibinigay niya iyon sa akin. "Anne, nagsasabi lang naman ako kung ano ang dapat gawin ni Ma'am Rizza. Kitang-kita naman ang ebedensya, 'di ba? Wala ng dahilan para manatili siya sa bahay na ito," giit niya. Umurong ata ang luha ko.Palihim na kumuyom ang aking kamao. Kung inis ako ay mas nainis sa kanya si Manang Anne. Nagsasalubong na ang mga kilay nito at matalim na ang titig kay Manang Jas. Na parang isang salita na lang nito ay susugurin na niya."Si Sir Dwayne ba ito?" gulat na tanong ni Ate April nang makita ang litrato na nasa cellphone ko. Nakalapag na iyon sa center table na nasa aming harapan."Si Stephanie 'to!" dagdag pa nito. "Oo, 'yong magandang empleyado ni Sir Dwayne na nakita natin sa dagat nung isang araw," sing

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 162

    CHAPTER 162"She really said that?" natatawang tanong ni Ninong Dwayne sa akin.Kinuwento ko sa kanya ang pinag-usapan naming dalawa ni Manang Jas kanina. "Oo, Ninong. Annulment pa ang gusto niya. Mag file na kaya ako?" Agad na nawala ang mga ngiti sa labi niya at humaba na ang nguso niya kaya ako naman ang natawa. "Why would you do that? Ikaw, pinagbibigyan na nga kita sa plano mong 'wag tayong magpansinan sa labas," pagrereklamo niya gamit ang nagtatampong boses. "Binibiro lang kita,'' sabi ko. Tumayo na ako. Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan. Patagilid akong umupo sa kandungan nito at ako na mismo ang naglagay sa kamay niya sa aking hita.Naramdaman ko agad ang paggalaw ng daliri niya."Oh? Saan na naman papunta 'yang kamay mo?" malditang tanong ko sa kanya. Nakabestida pa naman ako ngayon at tanging panty lang ang suot ko sa baba."Check ko lang kung ilang cm na si baby,""Ano ka, doktor? Itigil mo 'yang kamay mo." Tinuro ko ang aking tiyan. "Kita mo

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 161

    CHAPTER 161Tinitigan ko ng maigi si Manang Jas. Mas naging malaki ang aking pagdududa sa kanya. Nakausap ko si Manang Anne ngunit hindi naman ganito ang advice niya sa akin. Siya lang ang nagsabi na hiwalayan ko si Ninong Dwayne. Iyon ang nakakapagtaka sa lahat. Pero kailangan ko pa ring sakyan ang palabas na ito. “Gusto ko ngang makipaghiwalay, Manang. Iyon din po ang nasa plano ko nung malaman ko ang tungkol sa pagtataksil ni Ninong sa akin. Pero… iniisip ko rin po ang mga bata, hindi ko po sila mabibigyan ng buong pamilya,” malungkot na sabi ko. Tumingin ito sa paligid at nangapa ng sasabihin niya. Sino kaya ang kasabwat niya? Naging mabait naman kami ni Ninong sa kanya, pantay-pantay ang lahat ng pakikitungo namin kahit bago o hindi ang mga nandito. Bakit niya nagagawa sa amin ito? “Pero kung nasasaktan ka na sa isang relasyon ay pwede mo namang hiwalayan ang isang tao, Ma’am Rizza. Tsaka… marami namang mag-asawa na naghihiwalay, at ano ba ang tawag nila doon? Co-parenting ba?

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status