CHAPTER 48“Alam mo, sobrang hirap din ng naging buhay ko noon. Nagtatrabaho rin ako kung saan-saan para lang may ipanggagastos ako sa dalawang kapatid ko,”Parehas pala kami ng mga pinagdaanan sa buhay. Gagawin ko siyang inspirasyon. Gusto ko ring maiahon ang sarili ko mula sa kahirapan. “Iyon din po ang pangarap ko para sa sarili ko. Balang araw, maiaahon ko rin ang sarili ko mula sa kahirapan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Kasi kapag natupad ko na ang pangarap ko, Tita, hindi lang ang sarili ko ang aking matutulungan, matutulungan ko na rin ang mg kapatid ko. Hindi lang ako nangangarap ng para sa akin, para na rin ‘to sa mga taong nakapaligid para sa akin,”Napangiti ito sa akin bago hinawakan ang aking kamay. Marahan niya iyong hinimas.“Nakikita ko ang sarili ko sa ‘yo, Maria. Gusto kitang tulungan, nandito kami para tumulong sa ‘yo sa pagtupad mo ng iyong pangarap. Tutulungan ka namin, Maria,” Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nam
Read more