MY HOT BOSS 32Halos hindi na ako kumikibo kay Sebastian. Dapat pala hindi lang Sebastian ang itawag ko sa kanya.Dapat ko ring idagdag ang pagtawag sa kanya ng Sir.Nagmumukha akong walang respeto kung tanging pangalan lang ang itatawag ko sa aking boss.Kahit hindi ko na siya masyadong kinikibo, sinisigurado ko pa rin na nakikihalubilo siya sa mga tao. Ngunit naglalagay na lang ako ng distansya sa aming dalawa."Nag-away ba kayong dalawa? Kilalang-kilala kita, kanina ka pa tahimik," sabi ni Ate nang maiwan kaming dalawa. Kasama ni Sebastian si Kuya Rolly, pero hindi naman siya umiinom."Hindi kami nag-away, Ate," sabi ko at napabuntong-hininga."Hindi nag-away? Eh, para saan ang buntong-hininga mo?" Buhat-buhat niya si Macy na natutulog sa kanyang mga bisig."Ang yaman niya pala, Maria! Hindi mo naman sinabi sa amin na CEO pala si Sebastian! Sinabihan mo sana ako na pupunta siya rito para nakapanghiram ako kahit electric fan man lang sa kapit-bahay. Nakakahiya sa kanya, pawis na p
Read more