Chapter 221Maging si Caroline ay natigilan at nagulat sa pagiging maalalahanin ng kanyang anak. Isang hindi mapigilang ngiti ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit sa sumunod na segundo, mabilis na pinatay ng mga salita ni Astrid ang umuusbong niyang pag-asa."I disagree," simpleng saad ni Astrid, ang boses ay malamig at walang bahid ng pag-aalinlangan.Hinarap niya ang bata, direkta ang mga mata."That's my and your father's home. Ako ang babae sa bahay na iyon, Raica," panimula ni Astrid, bawat salita ay idinidikit sa katotohanan. "May sugat ang paa ng mom mo. Hindi magandang asal para sa isang taong may sakit ang makitira sa bahay ng ibang tao. Mararamdaman iyon ng may-ari."Bahagyang lumapit si Astrid sa bata. "Maaari mong piliing bumalik sa condo kasama ang mom mo, o maaari mong piliing sumama sa akin pabalik sa mansion. Ngunit ang mom mo? Hinding-hindi siya pwedeng tumuntong doon... dahil hindi ko papayagan. Naintindihan mo?"Si Caroline, na kanina pa nagtitimpi at nagpipigil
Magbasa pa