Chapter 946Habang nasa biyahe sila, biglang tumunog ang cellphone ni Stanley dahil sa tawag ni Kendra.Bahagya siyang sumulyap kay Akirah at nakaramdam ng kaunting alanganin nang makitang walang anumang emosyon ang mukha ng dalaga.Sumagot pa rin siya sa telepono."Kendra, anong nangyari?" pormal na tanong ni Stanley.Nanginginig sa luha at takot ang boses ni Kendra mula sa kabilang linya."Stanley, pumunta ka agad dito!" umiiyak na sigaw ni Kendra. "Nahimatay si Mommy!"Kumunot ang noo ni Stanley."Tumawag ka na ba ng ambulansya?" tanong nito."Nakatwag na ako, pero natatakot pa rin ako," pagmamakaawa ni Kendra. "Pumunta ka rito para samahan ako, please?"Narinig din ni Akirah ang boses ni Kendra sa speaker ng telepono.Inakala niyang iiwan na naman siya ni Stanley para puntahan si Kendra, tulad ng lagi nitong ginagawa noon.Subalit sa pagkakataong ito, naging matigas ang boses ni Stanley sa kaniyang cellphone."Kendra, sumama ka muna kay Tita Liana sa ospital," direktang sagot ni S
Mehr lesen