Hinawakan ni Marian ang kamay ng asawa. "Ang drama mo."Napatawa si Arturo at pinagsiklop ang mga kamay nila. "Sinabi mo pa.""Pero salamat.""Para saan?""Sa pagsabi. Sa pagiging tapat. Sa pagiging ikaw."Ngumiti si Arturo. Inilapit niya ang asawa at hinalikan ito sa noo."Mahal kita, Marian. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin nang tama. Pero mahal kita. Mahal na mahal.""Mahal din kita."Tumahimik silang dalawa. Maya-maya, narinig nila ang mahinang pag-iyak ni Maxrill mula sa itaas."Si Max," sabi ni Marian."Ako na," sabi ni Arturo. Tumayo siya agad."Arturo, kaya mo ba?""Of course I can. Ako ang tatay.""Okay. Good luck."Umakyat si Arturo sa kwarto ni Maxrill. Nang buksan niya ang pinto, nakita niyang nakaupo na ang anak niya sa crib at umiiyak."Hey, Baby Max. Daddy's here."Kinarga niya ang bata at inuugoy."Shh. It's okay. Daddy's here."Unti-unting tumahan si Maxrill. Napangiti si Arturo."Good boy. Come on, let's check your diaper."Inihiga niya ang anak sa changing tab
Ler mais