Kabanata 196 "Marian..." Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya mula sa labi ni Arturo. Mabilis siyang napatayo mula sa kinauupuan at lumapit sa harapan ng stage, para bang natatakot siyang mawala muli ang babae kapag kumurap siya. Dalawang araw. Dalawang araw niyang hinanap si Marian. Dalawang araw siyang nabuhay na parang nawalan ng kalahati ng sarili niya. At ngayon, naroon siya sa harapan niya — mas maganda, mas matapang, mas imposibleng abutin. Hindi niya maalis ang tingin kay Marian habang kalmadong nagpapatuloy ang babae sa pagsasalita. "Years ago, I was given a second chance at life," mahinahong sabi ni Marian habang nakahawak sa mikropono. "The Castro family believed in me when nobody else did. They gave me a home, education, and a future." Nanatiling tahimik ang buong ballroom. Nakikinig ang lahat. "Everything I have today, I owe to them." Bahagyang nanginig ang boses niya. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pasasalamat. "Hindi ako makakatayo rito ngayon kung h
Read more