“Kikay! Ang tagal maluto niyan, gutom na ako!”Ang pamilyar at mainit na boses na iyon ay umalingawngaw sa pandinig ko.Isang nakangiting lalaki, walang suot na pang-itaas, tanging kupas na maong lang ang gamit, kitang-kita ko tuloy ang magandang hubog ng katawan niya na kahit sino naman ay kayang magpatakam.Nakaupo siya sa maliit naming mesa, hawak ang kutsara habang pinapanood akong magluto ng itlog at tuyo sa maliit at masikip naming apartment.“Maghintay ka, Rhamesis! Kung tinulungan mo kaya akong magsaing kanina, edi sana kumakain na tayo!” natatawa kong sagot, hinampas ko siya ng sandok sa braso.Tumawa siya, isang tawa na malalim, buo, at puno ng pagmamahal. Tumayo siya, lumapit sa likuran ko, at ipinulupot ang malalaking braso niya sa maliit kong baywang.Ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko, nilalanghap ang amoy ng buhok ko.“Kahit itlog at tuyo lang araw-araw, basta ikaw ang kasama ko, Kikay, ayos na ako. Pangako ko sa'yo, balang araw, makakaahon din tayo. Ibibiga
Read more