Hindi siya sumagot sa halip at humalik muli sa noo ko, “I’m sorry, Kikay…”“I’m sorry… hindi ako dapat nagpadala sa init ng katawan... I should have let you rest first… you need to rest first, Kikay.”Napatango ako… baka nga… baka nga kailangan ko muna talagang magpahinga. Baka epekto lang ito ng gamot at ng pagka-coma ko.Ilang sandali pa, naramdaman kong muli ang pagyakap niya kaya ipinikit ko ang mga mata ko at isinubsob ang sarili ko sa dibdib niya.Napakagaan sa pakiramdam na kasama ko siya… dahil sa totoo lang, para akong nangungulila na hindi ko maintindihan.Parang may malaking parte ng pagsasama namin ni Rhamesis ang nawala kaya ngayon, hinahanap hanap ko ang init niya.Kinabukasan, nagising ako na wala na siya sa tabi ko, ngunit naririnig ko ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa banyo.Ilang sandali pa, lumabas siya roon, suot lang ang isang simpleng puting t-shirt at manipis na shorts. May nakasampay na puting tuwalya sa kaniyang balikat.Ngumiti siya nang makitang gising
Read more