Sinubukan kong igalaw ang mga binti ko para sipain siya, pero mabilis niyang naipit ang mga ito gamit ang sarili niyang mga hita. Marahas, gutom, at walang iniiwan na puwang para makahinga ako ang binibigay niya sa akin ngayon na halik."Bitawan mo ako, Dante! Pvnyeta ka, bitawan mo ako!" Pilit kong tinutulak ang dibdib niya.Pero imbes na makinig, lalo niyang idiniin ang kaniyang katawan sa akin, kasabay ng pagkakadiin din ng halik niya. Pilit ko namang iniilag ang mukha ko, iginagalaw ang ulo ko pakaliwa at pakanan para lang makawala sa mapang-angkin niyang mga labi, pero mabilis na gumapang ang kaniyang kamay sa panga ko, at itinapat ang mukha ko sa kaniya."Hmmph! D-Dante... t-tigil..." ungol ko sa pagitan ng aming mga labi, pero sinalubong lang niya iyon ng mas malalim at mas agresibong halik.Ramdam ko ang kaniyang dila na ngayon ay naglalakbay na sa loob ng bibig ko, nilalasap ang bawat sulok n'un na para bang ito na ang premyo niya sa matagumpay na kasal kanina. “Dante…” pagp
최신 업데이트 : 2026-04-30 더 보기