BIGLA na namang nakaramdam ng kaba si Janella, dahil hinaplos ng daliri nito ang kaniyang pisngi, na pumukaw ng kaniyang pagnanasa, dahandahan nitong pinadausdos pababa Sa kaniyang leeg, at idiniin ang hinlalaki sa collarbone niya. “Well, did you enjoyed what happened last night?” Diretso ang kanyang mga salita, kalmado ang kanyang tono, at seryoso ang kanyang ekspresyon, na para bang taimtim nitong tinatalakay kung tama ba ang sagot nito sa isang partikular na tanong. Dahil doon, bumalik sa alaala ang nangyari nang nagdaang gabi. Oo, naging mabilis ang lahat pero alam nya sa kaniyang sarili na nagustuhan nya ang nangyari. Nag-aalangan sya nong una pero bigla na lamang n'yang pinaubaya ang lahat sa lalaki lalo na't, ginusto iyon ng kaniyang puso't isipan. Magmula nang dumating sa buhay nila ang lalaki, may malaking pagbabago ang kaniyang naramdaman. Naging secured silang magkapatid at unti-unti nang nagagamot—nang mas maayos ang kaniyang lola na nasa nursing home. Hindi
Terakhir Diperbarui : 2026-05-11 Baca selengkapnya