MATAPOS maglinis ng katawan si Janella, agad siyang bumaba at nagtungo sa kusina. Naroon na ang kapatid—nakaupo, habang nakatutok sa selpon, abala sa kung anong binubutingting nito. Dati, hindi niya ito papapalampasin. Pero ngayon… wala siyang ganang manita. Nilagpasan niya ito, kumuha ng kape, at tahimik na umupo sa tapat nito. Napansin iyon ni Jake ang pagbabago ng kapatid—hindi ito ang tipikal na Ate niya kapag gigising at makikita siya sa umaga. “Ate… okay ka lang ba?” kunot-noong tanong nito. “Pumunta ka lang sa bahay ng mga Sebastian, mukhang hindi na kita kilala. Tsaka… bakit ang tagal mong gumising?.” Napahinga si Janella, saka pilit na ngumiti. “Hay naku, ‘wag mo na lang pansinin. Ilang taon din akong puyat, at ngayon lang bumabawi ang katawan ko.” Kumuha siya ng tinapay at saka kumagat. At saka ngumiti ng malapad. “Ganito pala pakiramdam ng palahiang baboy no? Kain, tulog, pahinga lang.” Napakamot si Jake. “Te… parang mas weird ka ngayon. Ano ba kinain mo k
最後更新 : 2026-05-11 閱讀更多