Third Person's POVHindi maalis ni Sebastian ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na binili niya para sa asawang si Vanessa. Kasama niya ang kapatid niyang si Kim na kanina pa siya inaasar.Nasa loob sila ng sasakyan ni Sebastian, naka-park sa labas ng Montefalco family home. Nasa back seat ang flowers—red roses, labindalawa, nakabalot sa brown paper at may simpleng white ribbon. Si Sebastian mismo ang pumili. Labinlimang minuto siyang nakatayo sa flower shop, nagdedesisyon kung red ba o pink. Tatlong beses siyang tinanong ng florist kung kailangan niya ng tulong. Tatlong beses din siyang tumanggi.Nasa passenger seat si Kimberly, nakatingin sa kapatid na may malapad na ngiti.“Hindi ako makapaniwala. Bibigyan mo siya ng flowers. Himala, Kuya Seb,” sabi ni Kimberly.Tiningnan siya ni Sebastian. “What’s so hard to believe? Married men give flowers to their wives. It’s normal.”“Normal sa ibang lalaki, oo. Sa ‘yo? Hindi. Ikaw ‘yung tipo ng lalaking nagregalo sa c
Last Updated : 2026-04-29 Read more