Sebastian’s POV Tumingin si Arturo sa akin. Hindi nagbago ang ngiti niya. Pero ang mga mata niya ay may kung anong kumislap doon. Isang bagay na hindi ko nagustuhan. “Of course,” sabi ni Arturo. “I thought you might want to hold them, Sebastian. Since you’re her husband.” “That’s right. I am.” Nagkaroon ng awkward na katahimikan. Palipat-lipat ang tingin ni Vanessa sa amin. Namumula ang mukha niya—hindi ko alam kung sa hiya o sa inis. “Okay,” malakas niyang sabi. “Let’s go inside. I’m hungry. Both of you, stop being weird.” “I’m not being weird,” sabay naming sabi ni Arturo. Nagkatinginan kami. Tinaas ni Vanessa ang mga kamay niya sa inis at naglakad papasok ng restaurant. Sabay pa silang pumasok sa loob, at naiwan ako sa labas. Tumigil ako sandali, hawak pa rin ang bulaklak, pinapanood ang asawa ko at ang kapatid ko na magkasamang pumasok. May sinasabi si Vanessa kay Arturo, at tumatango lang ito. Komportable silang magkasama. Masyadong komportable. Huminga ako nang malalim.
Last Updated : 2026-05-01 Read more