Tumigil ako ng flower shop ng may madadaanan ako. Bumili ako ng bulaklak para kay Erin. Ito ang unang beses niyang magtext sa akin para yayain kumain sa labas.Oh, hindi nga pala ito ang una kundi pangalawa na. Pero hindi ko naman masasabing date ang unang pagyayaya niya sa akin dahil si Geline naman daw ang nagyaya noon.So, this is our official date.Nagpatuloy na ako sa pagpunta sa restaurant matapos kong bumili ng bulaklak.At naghihintay na nga siya sa akin sa loob.Itinago ko ang bulaklak sa likod ko habang palapit na ako sa kanya."Your here,""Uhm," napatango pa ako.Nang tuluyan na akong nakalapit ay saka ko inilabas ang bulaklak at ibinigay iyon sa kanya."Para sayo,"Napatitig siya sa bulaklak na hawak ko saka siya tumingin sa akin matapos niya iyong tanggapin."Thank you,""Uh, maupo ka na." alok ko sa kanya kaya muli siyang naupo.At magana naming pinagsaluhan ang mga pagkaing inorder niya para sa aming dalawa......Pagkauwi namin ay agad kaming umakyat ng kwarto namin.
Read more