Kapag maagang umuuwi si Jarren ay nagpupunta siya sa kompanya ko para tumulong sa akin. At nakagawian na niya iyon mula noon.Kaya ng nalaman ko kay Laura na maagang pumarito si Jarren ay pinatawag ko siya para makausap.“Mayroon ka bang kailangan, Ate Erin?” tanong agad niya sa akin.“Hmm, gusto ko lang malaman ang ilang mga bagay tungkol kay Geline. Sa kaibigan niyo.”Kunot ang noo niya na tila naalarma siya sa sinabi ko,“Ate Erin, ang pamilyang Celis at ang pamilyang Ramos ay mayroong magandang relasyon. At sabay nga na lumaki sina Gabriel at Geline. Pero, Ate Erin, huwag kang mag isip ng hindi maganda. Hindi kailanman nagkagusto si Gabriel kay Geline, mapapatunayan ko yan dahil halos kasabay rin naman nila akong lumaki. Kahit na sabihin na talagang spoiled brat si Gabriel, at masasabi ko naman na malinis ang siya. Tulad ko, malinis kaming pareho.” mahabang sabi niya sa akin na halatang pinagtatanggol si Gabriel.Hindi ko mapigilan ang mapangiti.“Hmm, gusto ko lang makilala si Gel
Read more