"Ayos lang kuya Travis." sagot ko din ng paulit ulit. "Para na rin hindi mahirapan pang maghanap si Ate Katty ng papalit sa kanya pansamantala.""Oo nga naman, Hon." malambing na pasigunda ni ate Katty.Napangiti ako. Nahanap ni kuya Travis ang babaeng makakatuwang sa buhay at masaya ako para sa kanya. Mas hinangahan ko siya dahil sa mas naging caring siya hindi na lang sa akin kundi sa asawa nito."Isasama ko na siya bukas pagpasok para maipakilala kay Sir Drake. Qualified naman siya bilang kapalit ko kaya siguradong hindi na makakatutol si Sir Drake kapag naipakilala ko siya bukas.""Hmmm." hindi naiwasan ang pagpapakawal ng buntong hininga ni kuya Travis na nagpapalit palit ng tingin sa amin ng asawa niya. "Okay, may tiwala naman ako na kaya mo ang trabaho ng ate Katty mo, Eme. Sana nga lang at tanggapin ni Vice Chairman ang pagpalit mo sa secretary niya.""I hope so, Kuya Travis.""Tatanggapin ni sir Drake si Eme, panigurado yun dahil sa akin naman ipinagkatiwala ang paghahanap ng
Read more