“Ma,” tawag ni Vladimir kay Ivana na hindi alam kung paano patatahanin si Aliah na ngayon ay nakayakap na rin sa baywang niya.“Aliah, are you okay?” malumanay na tanong ni Ivana kay Aliah na tumatapik na sa kamay na nakayakap kay Vladimir. “Hindi ka ba masaya na magkakaanak na kayo? Alam kung hindi mo iyan inaasahan pero hindi ba magandang simula iyan para sa inyong mag asawa?”Humihikbi na umangat ang mukha ni Aliah sa pagkakasubsob niya sa may tiyan ni Vladimir. Tumingin siya dito.Umiling siya.“Huh! Hindi mo ba talaga…”“Nagulat lamang ako, mama. Pero masaya ako na magkakaroon na ako ng sariling pamilya.” iyon ang lumabas sa bibig niya para malinawan ang pag aakala nila na hindi niya gusto ang pagbubutis niya.Doon siya bahagyang naitulak ni Vladimir mula sa pagkakayakap niya dito. Napatingala siya dito.“Really? Are you happy too? Masaya ka rin ba tulad ng kung gaano ako kasaya na nalaman na magkakababy na tayo?” tanong pa nito sa kanya na hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Last Updated : 2026-05-21 Read more