“Vladimir, hindi ko…” gusto pang humingi ng tulong si Caroline kay Vladimir at akma itong lalapit ngunit mabilis na umiwas si Vladimir dito.“Hindi tayo malapit sa isa’t isa para tawagin mo ako sa pangalan lang, ms. Caroline. Gusto kong ipagpalagay na magkakilala ang mga magulang mo sa mga magulang ko pero hindi ibig sabihin nun ay babalewalain ko ang pandidiin mo sa asawa ko.” malamig ang boses na sabi ni Vladimir kay Caroline.“Kung ganun, totoong asawa mo nga si Ms. Salvador, mr. Gray.” iyon pa ang tanong ng mga reporter at iba pang nakarinig ng sinabi nito.“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob mong pagbintangan ang asawa ko? Anong nagawa niya sayo at ipagdiinan mong ginaya niya ang design mo? Pinagkatiwalaan ka pa naman ng design team ng kompanya ko kaya ka nila pinagbotohan na kunin bilang isang judge ngayon pero binigo mo ang tiwala nila sayo.”“H-hindi ko sinasadya. Nakikiusap ako sayo, Vladimir. I mean, mr. Gray.”“Hindi ka sa akin nagkamali kaya hindi ka sa ak
Last Updated : 2026-05-27 Read more