ANMELDEN“Arrgghhh!” Napapikit ng mariin si Zephorah nang maramdaman ang pagpintig ng kaniyang ulo dala ng hangover. Hinilot niya ang kaniyang ulo upang maibsan ang sakit nito.Nang muli niyang buksan ang kaniyang mga mata, napagtanto niyang may kakaiba sa paligid.“Anong nangyari? Takhang tanong niya nang mapansing wala siya sa kaniyang hotel na tinitirhan.Nang tingnan niya ang sarili, halos mapatalon siya sa kaba ng mapansing wala siyang suot na damit at tanging ang underwear lamang ang kaniyang suot sa ilalim ng kumot na bumabalot sa kaniyang katawan.“Shit!” Napamura siya at agad na tumayo upang hanapin ang kaniyang mga damit.Ngunit sa kaniyang pagtayo, naramdaman niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang hita.“Anong kalokohan ang ginawa mo, Z!” Sinabunutan ni Zephorah ang sarili.“Sino ang pumasok sa Bataan?” Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata upang alalahanin ang nangyari kagabi. Ngunit kahit ano ang kaniyang gawin upang maalala ang nangyari, ay nanatiling blangko ang kaniya
“Sir, nakita ko po sa pub si Ma’am Zephorah kasama ang kaniyang mga kaklase.” Paalam sa kaniya ng kaniyang sekretarya.Nasa opisina si Jake. Sa main headquarters ng kanilang kompanya sa Singapore at kaasalukuyang may kausap itong isang investor na interesadong mag-invest sa kanilang aircraft, nang biglang lumapit ang sekretarya nito upang ipaalam kung nasaan si Zephorah.“Okay, thank you for your time, Mr. Lee. We are looking forward to deal business with you.” Iniangat niya ang kaniyang kamay upang makipagkamay sa investor, na agad namang tinanggap ni Mr. Lee iyon.“Thank you, for doing business with you.” Tugon ng lalaki.“Magbook ka ng VIP room doon.” Utos ni Jake sa kaniyang sekretarya. “Dalhin mo rin ang maskara ko. Ayokong malaman ni Z na andun ako.” Dagdag niya.Tumango ang sekretarya at agad na tinawagan ang may ari ng pub upang ipaalam ang pagdating ng nag-iisang Jake Zamora.Sa business world, kilala si Jake na isang misteryosong business tycoon na si Mr. J. Tanging ang kani
Napatulala na lamang si Sandra sa sinabi ni Zephorah.“Sa akin ito?” Di makapaniwalang tanong niya, habang hawak ang Villa Cebu.Tumango ng nakangiti si Zephorah bilang sagot sa tanong ng kaibigan. Tiningnan naman ni Sandra ang susi sa kaniyang palad. At agad na umiling.“Naku! Huwag na! Alam mo namang sa iyo binigay iyan. Baka mamaya hanapin ni Madam. Isa pa, malayo ito sa trabaho ko.”“Wala din akong balak na tirhan ito. Kaya ko ito kinuha ay para sayo.” Saad ni Zephorah.“Eh, bakit mo ito hiniling sa kanila kung di mo din titirahan?” Tanong ni Sandra.“Para ibigay sayo.”Napaikot ang mata ni Sandra sa sinabi ni Zephorah.“Tyaka kung dito ako titira, baka guluhin pa ako nina Arthur at lalo na ni Cheska.”“Bahala ka. Pero kung ayaw mo, ibenta mo nalang. Kasi ako… Hindi ko iyan tatanggapin. Pera nalang ibigay mo sakin, sugar mommy.” Pang-aasar ni Sandra na ikinatawa ni Zephorah.“Bukas di mo pala ako masasahan.” Tumango si Sandra.“Pero susubukan kong humabol. Bakit hindi mo tawagan s
Napatingala si Arthur sa bandang hagdanan nang makita mula sa kaniyang peripheral view si Zephorah, habang siya ay nakaupo sa kanilang sala. Nakasuot ito ng damit pang-alis at tila papasok na sa kaniyang trabaho. Lingid sa kaalaman ni Arthur na hindi na nagtatrabaho ang asawa, bagkus, nag-aaral ito.“Hindi ako dito matutulog mamaya. Sa bahay ako ni Sandra makikitulog.” Sabi ni Zephorah ng makababa ito. Hindi na din nakapagsalita si Arthur, sapagkat umalis na rin si Zephorah. Wala din namang pakialam si Zephorah sa sasabihin ni Arthur. Dahil noon pa man, alam na niyang di alintana ni Arthur kung aalis man siya o hindi. Kahit nga ang pagkawala ni Z ng isang linggo ay hindi siya hinanap nito. Nakaalis na lamang si Zephorah ay hindi pa rin mawala ang tingin ni Arthur sa pintuan kung saan lumabas si Zephorah. Ang kaniyang pagkatulala ay napansin naman ni Cheska.“Gusto mo sundan mo.” Sarkastikong saad ni Cheska.Napabuntong hininga si Arthur sa narinig. Tinalikuran niya si Cheska at dume
Sumakay ng kotse si Sandra at namataan niya ang katahimikan ng kaibigan sa kaniyang tabi. Habang pinapaandar ang kotse, biglang nagsalita si Sandra.“Kamusta ka?” Nag-aalalang tanong ng kaibigan. Huminga ng malalim si Zephorah bago lingunin ang kaibigan at nginitian ito.“Okay lang naman. Bakit mo natanong?” Tanong nito.“Girl… I bet you’re not okay.”“Oo nga. Bakit ba hindi?” Pagkumbinsi ni Zephorah.“Syempre… Yang magaling mong ex-husband na walang alam na hiwalay ka na pala sa kaniya ay nagbigay na naman ng sakit ng ulo sa iyo.”“Sanay na ako. Kung dati, bulag ako sa mga nangyayari, ngayun… Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga ganap sa buhay ko… Ang mga ginagawa niya. Hindi naman na para mag-expect pa ako mula sa kaniya. Kaya hindi na ako magtataka. Bahala na lang siyang linisin ang kalat na ginawa niya.”“Sabagay… Tingin ko naman he can pull strings para hindi lumabas ang balita sa kamag-anak niyo.” Tumango si Zephorah bilang pag sang-ayon sa hinuha ni Sandra.“Tama. Marami naman
Sa Police stationDumating ng police station sina Zephorah at ang kaibigang si Sandra upang malaman ang totoong dahilan kung bakit nasangkot sa isang gulo si Arthur. Ngunit ang kaninang pag-aalala ni Zephorah ay napalitan ng inis at pagkamuhi nang makita si Cheska na nakaupo sa isang bakanteng upuan na nakasuot parin ng night gown at tinakpan lamang ng roba ni Arthu, si Arthur na nakapantulog na sandong puti na may mantsa na ng dugo at kausap ang isang pulis habang nakagapos ang mga kamay, at ang tatlong lalaking nakaupo sa katapat na upuan ni Arthur kasama ng mga pamilya nitong nagrereklamo rin.Tila may ideya na si Zephorah sa nangyayari. Pinanatili niya ang walang reaksyon niyang mukha, na hindi mo makikitaan ng pait o galit. Kalmado itong pinuntahan ang pulis na kausap nina Arthur at ng tatlong lalaki.“Sir.” Pagtawag pansin ni Zephorah.Nasa likuran naman niya ang kaniyang kaibigang si Sandra, upang magbigay suporta kay Zephorah.“Ako po si Zephorah Gonzales- Wenseslao, ang asawa







