CHAPTER 156 Nauuna si Kai sa dalawa nang bigla na lang itong buhatin ni Ruiz mula sa likuran. “Saan ka pupunta? Wala man lang bati? Fist bump naman dyan.” “Ano iyong fist bump po?” “Ganito.” Habang tinuturuan ni Ruiz si Kai ay nasa kanya naman ang tingin ni Xander. Karga pa rin ni Ruiz si Kai nang lumapit sa kanila at nang-aasar na siniko si Xander “Gusto mo bang ipakilala kita?" Walang umimik sa kanilang dalawa. Nag-iwas siya ng tingin."Bella, ito nga pala ang kaibigan kong si Xander,” sabi ni Ruiz habang pigil na pigil ang tawa. Kung hambalusin niya kaya ito ng unan? Kita ng hindi awkward sila ni Xander, para pang tanga. “Oh, nagkakahiyaan kayo? Shakehands naman diyan.”“Bakit ka ba nakikialam,” mahinang sinipa ni Xander ang kaibigan."Okay, okay,” tawa nito at inilapag si Kai sa carpet para makipaglaro ng LEGO. Kumuyom ang kanyang mga palad nang umupo si Xander sa mismong tabi niya. Magkadikit ang kanilang mga siko.“I texted you but
อ่านเพิ่มเติม