CHAPTER 171[MADAM IMELDA] “Apo, bakit ka malungkot?” tanong ni Lola Imelda nang madatnan si Kai sa may garden na nanghahaba ang ngsuo. “Namimiss ko na si Mommy ko po.” Kahit gusto niyang bigyan ng mas maraming oras ang mga magulang nito, hindi niya matiis si Kai. “Sige, balik na tayo sa Villa.” Napangiti naman si Kai at sunod-sunod na tumango. Pagdating nila sa villa, papaalis pa lang si Zacharias para pumunta sa Empire. Tiningnan ni Lola Imelda ang oras. "Late ka na." “La, tao lang ako. Nale-late din minsan.” Natahimik na lang siya. Si Kai naman ay bumitaw sa kanya at akmang tatakbo paakyat ng hagdan nang mabilis itong pinigilan ni Zacharias. Literal na dinampot ang kwelyo ng bata sabay buhat sa ilalim ng kili-kili nito para ilayo sa hagdan. “Saan ka pupunta?” “Kay Mommy kuh puh.” “Tulog pa ang Mommy mo. Huwag mong iistorbohin.” “Anong ginawa mo sa Mommy ko? Palag
閱讀更多