Kabanata 103 "Anak siya ni Mommy. Totoong anak. At dahil sa akin, nasira ang buhay niya." Mahina ang boses ni Morgana, ngunit puno iyon ng kalungkutan at pagsisisi. "Ayaw kong makita siyang bumagsak nang tuluyan dahil sa mga nangyari." Tahimik na nakinig si Anton. Kung ibang tao ang nagsabi ng mga salitang iyon, baka hindi siya maniwala. Pero si Morgana ang kaharap niya. Sa loob ng maraming taon, ito ang nakilala niyang mabait, mahinahon, at laging inuuna ang kapakanan ng iba. Kaya kahit alam niyang hindi gusto ni Carmelle na makita si Morgana, hindi niya maiwasang maantig. Napabuntong-hininga siya. "Ikaw ang nag-aalala para sa kanya, pero siya? Ni hindi ka niya kayang kausapin nang maayos." Bahagyang yumuko si Morgana. "Wala akong pakialam kung paano niya ako tratuhin." Tumingala ito. "I just want to try. Okay?" Muli siyang natahimik. Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Alam niyang walang magandang mangyayari kapag nagharap ang dalawang babae. Ngunit nang makita niya a
Read more