Kabanata 113 Mahimbing ang tulog ni Carmelle nang gabing iyon sa Gardenia. Samantalang sa ospital, halos walang nakapikit. Lalong-lalo na si Morgana. Magdamag siyang pinahirapan ng sakit. Kahit na binigyan siya ng mga gamot, hindi pa rin mawala ang paninikip ng dibdib, pananakit ng katawan, at matinding pagod na tila unti-unting kumakain sa kanya mula sa loob. Kinabukasan, maaga pa lamang ay dumating na ang isa sa mga cardiologist na bahagi ng medical team. Lumapit ito kay Luisa na nakaupo sa tabi ng kama ni Morgana. “Mrs. Claveria, may kailangan po sana akong pag-usapan sa inyo. Maaari po ba tayong lumabas sandali?” Pagkakita pa lang ni Luisa sa seryosong ekspresyon ng doktor, agad nang bumigat ang pakiramdam niya. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang likuran. Napalingon siya kay Morgana na nakahiga sa kama. Nakapikit ito ngunit halatang mahina pa rin. Tumango si Luisa at sumunod sa doktor palabas. Pagdating nila sa corridor, agad siyang nagtanong. “Doctor, m
Read more