Kabanata 38 Kanina lang, desidido pang hindi kumain kumain si Carmelle. Pero ngayon, habang sumisingaw ang mainit na aroma ng sabaw at bagong lutong ulam, unti-unting nanghina ang depensa niya. Pakiramdam niya, bigla siyang bumalik sa nakaraan. Ito ang mga pagkaing kinalakihan niya. Mga lutong matagal niyang hinanap habang nasa Pilipinas. Tahimik siyang naupo sa mesa habang isa-isang inilalapag ng mga kasambahay ang pagkain. May sweet and sour fish, garlic butter shrimp, beef salpicao, at ang paborito niyang crab soup. Nanlaki nang bahagya ang mata niya. “Grabe…” bulong niya habang napapangiti. “Parang fiesta.” “Master specifically instructed the kitchen to prepare your favorites, Miss,” magalang na sabi ng isang maid. Hindi sumagot si Carmelle. Tahimik lang siyang kumuha ng pagkain. Noong una, balak niya talagang tikman lang. Pero habang tumatagal, hindi niya namalayang sunod-sunod na ang subo niya. Sa loob ng dalawang taon sa Pilipinas, hindi talaga siya nasanay sa pagkain
Last Updated : 2026-05-22 Read more