Kabanata 41 Halos buong hapon ay nasa studio si Carmelle. Sunod-sunod ang meetings niya simula tanghali dahil may bagong project silang kailangang i-finalize. Puno ng sketches, fabric samples, at design boards ang conference room habang paulit-ulit siyang nagpapaliwanag sa team niya. Pagod na ang lahat, pero siya, parang hindi nauubusan ng energy. “Adjust the neckline here,” sabi niya habang nakaturo sa tablet. “Mas clean tingnan kapag mas structured.” “Noted, boss,” mabilis na sagot ng designer. “And this one…” Bahagya siyang napahinto bago umiling. “Too much. Bawasan n’yo ’yung detailing.” Tahimik na nagsusulat ng notes ang buong team. Sanay na sila kay Carmelle. Kapag trabaho, sobrang seryoso nito. Malayo sa carefree image na ipinapakita nito sa labas. Maging si Toni na ilang taon nang assistant niya, minsan ay namamangha pa rin. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawang pagsabayin ni Carmelle ang pagiging maarte, magastos, at perfectionist sa trabaho. Bandang alas sa
Last Updated : 2026-05-23 Read more