Humahapdi ang bawat hakbang, pero hindi tumigil sina Mariel at Craig. “Konti na lang…” hingal ni Mariel habang halos buhat na niya si Craig. “Kaya mo pa?” tanong niya, puno ng pag-aalala. Tumango si Craig kahit nanginginig na ang katawan. “Kailangan… makauwi tayo.” Sa dulo ng madilim na kalsada, isang itim na sasakyan ang biglang huminto sa harap nila. Napaatras si Mariel. “Craig—” Pero bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pinto. “Sir!” Isang pamilyar na boses. Lumabas ang driver ni Craig—si Mateo. “Buti naabutan ko kayo! Mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan, sumakay na kayo!” sigaw nito. Hindi na nag-aksaya ng oras si Mariel. Tinulungan niyang makapasok si Craig sa likod ng sasakyan, saka siya sumunod. “Drive,” mahina pero utos na sabi ni Craig. Umugong ang makina. Umandar ang sasakyan palayo sa ospital— palayo sa panganib. Sa loob ng kotse, tahimik. Tanging hingal ni Craig at mabilis na tibok ng puso ni Mariel ang maririnig.
Terakhir Diperbarui : 2026-05-04 Baca selengkapnya